Gumagamit at nasa pagkakasunod-sunod ng orihinal na 20 letrang alpabetong Pilipino: A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,Ng,O,P,R,S,T,U,W,Y. Kasama ng maikling kahulugan ng bawat salita, ibinibigay din kung anong bahagi ito ng pangungusap at sa kung anong paksa ito napapaloob; halimbawa: botanikal, medikal, matematikal, atbp.